Agrikultura: Paghahalaman at Paghahayupan


Agrikultura


https://www.slideshare.net/DanPauloAmado/sektor-ng-agrikultura-1179819

   Agrikultura, ang agham kung saan ang pagpaparami ng halaman at hayop, pati ang pag-aalaga , ay nililinang. Ang salitang Agrikultura ang hango sa salitang Latin, na agricultura. Agri na nangangahulugang "mula sa lupa" at cultura na ang ibig sabihin naman ay "paglilinang". Napakahalaga ng tungkulin ng agrikultura sa pang-araw-araw nating buhay sapagkat ito ay nagbibigay natin ng pagkain, panggatong , at panghabi. Marami ang ating makukuha sa agrikultura ngunit ang pinakaimportante sa lahat , ay ang kakahayan nitong makapagpanatili, makapagbuti,  at mapaunlad ang buhay ng mga tao. Ang agrikultura ay may limang sektor : ang pagsasaka, pangingisda, paghahayupan, paghahalaman,  at paggugubat.

      Malaking bahagi ng ekonomiya ang nakadepende sa sektor ng agrikultura. Mahalagang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang lahat ng sektor, particular ang agrikultura.Tayong mga Pilipino ay pinagpala dahil sa ito'y mayaman sa mga likas na yaman, mahalaga rin ang naibahagi ng ating klima sa ating pag-unlad kasi dahil dito masagana ang mga pananim at kaya naman nakilala ang Pilipinas bilang isang bansang agrikultural. Sa panahon natin ngayon tumataas ng tumataas ang bahagdan ng ating populasyon kung gayo'y mas lalong nahihirapan ang ating pamahalaan kung sa anong paraan maipapantay ang mga supply. Malaki ang naibahagi ng agrikultura sa atin kaya't kailangan din nating gumawa ng paraan upang magtagal ito sa susunod at darating pang henerasyon.

Ano ang iyong magagawa upang mapanatili o mas mapaunlad ito?
Bilang mag-aaral o bilang isang mamamayan sa bansang ito dapat huwag natingabusuhin at sadyang sirain ang ating mga yamang likas. Dahil ito ang tumutugon sa mga pangangailangan natin sa pangaraw-araw.Upang mapanatili ang kaunlaran ng ating bansa kinakailangan nating pahalagahan it upang hindi ito maubos sa panandaliang panahon.Dahil sa madaling salita, dito nakasalalay ang ating buhay. 
                                                                                                                                -Zac O. Burlado


Paghahalaman

       
      Ang paghahalaman ay isa sa mga sektor ng agrikultura na ang pokus ay ang pag-aalaga o pagtatanim ng mga halaman na pinagkukunan ng supply ng pagkain sa isang bansa. Mabilis na ang pagsulong ng teknolohiya sa ating bansa ngunit, kahit katiting hindi nababawasan ang kahalagahan ng pagsasaka dito sa Pilipinas. Maliban sa paghahayupan malaki rin ang naging ambag nito noon at maging sa kasalukuyan. Pinagkukunan rin ito ng kabuhayan ng mamamayang Pilipino para pangtustos sa pang-araw-araw. Malawak ang bahagi sa kalupaan dito sa Pilipinas ang nakalaan sa pagsasaka dahil sa ito'y pinagkukunan natin ng pagkain ngunit base sa aking natutunan mas nagkulang ng suporta sa pamahalaan ang sektor ng agrikultura. 
    Ang paghahalaman ay nakatutulong na punan ang pinakamalaking demand sa mundo walang iba kundi ang pagkain. Ang mga Pilipinong magsasaka rin ay parte ng paglago sa ating ekonomiya dahil kung maliit o maikli lamang ang produksiyon sa pagkain maaapektuhan nito ang taong bayan. Hindi madali para sa mga magsasaka ang pagsasaka dahil kinakailangang may masaganang lupa at sapat natubug upang mabuhay ang mga pananim. Napakalawak at sobrang laki ang naiambag at maiaambag pa ng mga magsasaka. Hindi lamang sa sa ating bansa kundi pati narin sa buong mundo, kaya nararapat lamang na bigyan natin sila ng pagpupugay at halaga bilang kapalit ng kanilang pawis at pagpapakahirap  sa matinding init sa kabukiran.

                                              -Geah M. Silvano

Paghahalaman
      Ang paghahalaman ay isa sa mga sektor ng agrikultura. Dito nakapaloob ang pagtatanim at pag-aalaga ng mga halaman. Ang paghahalaman ay ang pangunahing pinagkukunan ng supply ng pagkain sa isang bansa. Dito rin umaasa ang ibang tao. Sa pamamagitan ng pagsasaka dito tayo makakahanap ng pagkakakitaan o para sa panghanapbuhay nang karamihan, lalo na dito sa ating bansa. Halos sa malaking kalupaan sa Pilipinas ay ang pagsasaka ang pinagtutuonan ng pansin sa karamihan. Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako at abaka. Lahat ng ito ay kinokonsumo sa loob at labas ng bansa.
         Dahil sa pagsasakahan at sa mga magsasaka mayroon tayong makakain sa araw-araw. Ang karaniwang pananim na palay at mais ng mga magsasaka na kung saan nanggagaling ang bigas. Bigas na kinakain natin sa tatlong beses sa isang araw. At pinapatunayan na ang pagsasaka ay napakahalaga at bahagi na sa ating buhay.
        Para sa mga magsasaka, ang paghahalaman ay kadugtong at kinagisnan na sa kanilang mga buhay, dahil dito nila binubuhay ang kanilang pamilya araw-araw.At higit sa lahat, ito ay isang marangal na trabaho at hindi kailan man ikakahiya. Baka ito rin ang kanilang mga responsibilidad sa mundo na ibinigay ng Panginoong Maykapal upang makatulong pa sa ibang tao at pangangalaga sa mga yamang likas. Maraming magkasingkahulugan ang salitang pagsasaka sa agrikultura pero sa mas maliwanagang kahulugan, ang pagsasaka ay isang aktibidad samantala ang Agrikultura ay isang agham ng pagsasaka at iba pang katulad na aktibidad.


                                                          -Cris Trisha D. Celestial



Paghahayupan
   Ang paghahayupan ay isa sa mga nagbibigay trabaho sa mga Pilipino at pangunahing hanapbuhay sa bukirin. Ito rin ay tumutukoy sa pag-aalaga ng mga hayop gaya ng baka, kambing, manok, baboy at iba pa na tumutulong sa atin na matugunan ang pangangailangan sa karne lalong-lalo na ay hindi na mawala-wala ang karne sa handaan. Hindi lang rin karne ang makukuha natin dito kundi gatas rin na galing sa baka, itlog na galing sa manok at ang mga balat ng hayop na ginagawang damit at sapatos. Ibenebenta ito maging sa loob at labas ng bansa. Kung maganda ang kalidad ay mas malaki ang kikitain ng bansa at mas mapalalago pa ang ating ekonomiya.Sa tulong nito ay maaari tayong mabuhay ng masagana. Mayroon ring mga pribadong korporasyon ang naghahanapbuhay nito na may magandang pasilidad at mas advance na mga teknolohiya na ginagamit sa pag-aalaga ng mga hayop.
    
      Isa sa mga suliranin sa paghahayupan ay ang pagkasakit sa mga hayop na dahilan ng pagkamatay nito. Ang suliraning ito ay hindi natin maiiwasan lalong-lalo na at sa panahon ngayon bigla-biglang umiiniit at umuulan na sanhi ng pag-usbong ng mga sakit. Ang biglang pagbabago sa ating klima na maaari ring ikamatay ng mga hayop dahil sa init ng araw na hindi kakayanin nila o di kaya ang pagkaubos ng mga makakain ng hayop gaya nalang ng mga damo na minsan ring kinakain ng mga kambing.
                                                                                                       -Hannah Grace J. Comighud

Paghahayupan


    Dito sa Pilipinas malawak ang sektor ng paghahayupan sa ating bansa. Parte ng sektor ng agrikultura ang paghahayupan kung saan layunin nitong mag-alaga ng mga hayop. Halimbawa ay ang mga baboy, mga baka, manok at iba pa.Nakatutulong ang  paghahayupan sapagkat tumutugon ito sa mga pangangailangan natin. Unang una a ang supply ng karne, pati narin ang itlog na galing sa manok ,ang mga dumi rin ng mga hayop na ito ay maaaring gawing pataba para sa mga pananim sa sakahan.
     Ang paghahayupan ay matatawag rin nating isang pangkabuhayan. Mayroon ding pribadong korporasyon na nasakyan ganitong hanapbuhay. Isa rin itong alternatibong paraan o pagkakakitaan ng mga magsasaka maliban sa pagsasaka. Naging bahagi na ang agrikultura sa kultura ng mga Pilipino; ang pag-aalaga ng iba't -ibang uri ng hayop sa kani- kanilang mga bakuran. Napakalaki ng naiambag ng paghahayupan sa bawat isa sa atin dahil sa pamamagitan nito maaari nating matustusan ang ating mga pangangailangan sa bawat araw.

                                                                         -
Jannel Malagamba






Comments